Francine May Banat sa Nagsasabing Respeto! Francine Pinatatamaan ang Unknown Band Orange and Lemon?

 




Francine May Banat sa Nagsasabing Respeto! Francine Pinatatamaan ang Unknown Band Orange and Lemon?

Francine/IG


Ang Kapamilya star na si Francine Diaz ay nagpahayag ng pasasalamat sa kanyang tagahanga na nag-abot sa kanya ng isang regalong portrait na nagpapakita ng kanyang mukha. Ayon sa text caption ni Francine, ibinigay ito sa kanya ng isa sa mga nanood sa "Governor’s and Vice Governor’s Night" sa San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 30 ng gabi. Ngunit, naging kontrobersiyal ang kanyang pagkakaroon ng regalo matapos ang umano'y "pagsingit" niya sa program flow, na nagdulot ng inis at pag-walk out ng banda ng Orange & Lemons na nakatakdang mag-perform.


Sa mga lumabas na screenshot ng program flow, nakikita na nasa dulo si Francine bago siya mag-perform, at una sana ay kakanta muna ang banda. Ngunit, ayon sa mga tsismis, nag-request ang kampo ni Francine na unahin siya dahil may iniinda raw ang aktres. Kaya naman, habang nasa entablado na at nag-aayos na ang banda, biglang tinawag ng event host si Francine, at sa halip na bumati lang, nagpatuloy ito sa pagkanta. Makikitang tila na-inis ang banda, lalo na si Clem Castro, habang nakikipag-usap sa ilang taong bahagi ng organizing team.


Matapos ang kantahan ni Francine, bumalik ang banda sa entablado at humingi ng paumanhin si Clem sa mga manonood, na sinabing dapat ay sila ang mauuna at respetuhin sana ang kanilang oras. Sa text captions naman ni Francine sa pag-flex niya sa natanggap na regalo mula sa fan, marami ang nagsasabing tila sagot ito ng aktres sa pahayag ni Clem tungkol sa "respeto." Gayunpaman, wala pang opisyal na tugon mula sa kanyang kampo tungkol dito.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts