Ex-VP and Atty. Leni Robredo Nasagad Nga Ba ang Pasensya? Nagbabala vs FB Account na Nagpapanggap na Siya!

 



Ex-VP and Atty. Leni Robredo Nasagad Nga Ba ang Pasensya? Nagbabala vs FB Account na Nagpapanggap na Siya!

Photo: Atty. Robredo/IG


Nagbabala si dating Vice President Leni Robredo hinggil sa isang Facebook account na nagpapanggap bilang siya at nagbibigay ng mensahe sa iba't ibang indibidwal. Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 30, binigyang-diin ni Robredo na wala siyang bagong Facebook account. "Been alerted by a new account posing as mine," ani Robredo. "I don’t have a new Facebook account. Please don’t accept. Profile picture used is the same as my real account," dagdag niya.



Makikita sa larawang kalakip ng post ni Robredo ang screenshot ng isang palitan ng mensahe sa Messenger, kung saan nangungumusta ang tinutukoy niyang pekeng Facebook account sa isang indibidwal. Ayon sa dating bise presidente, hindi siya gumagamit ng Messenger at hindi dapat sagutin ng mga tao ang mga mensahe na nagmumula umano sa kanya.



"Please don’t respond to messages allegedly coming from me," saad ni Robredo. Pinapaalalahanan niya ang publiko na maging mapanuri at i-report ang anumang kahina-hinalang account na nagpapanggap bilang siya upang maiwasan ang anumang uri ng panloloko.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts