Diwata Ipamigay Diumano ang Tirang Pagkain sa Stray Dogs

 



Diwata Ipamigay Diumano ang Tirang Pagkain sa Stray Dogs

Photo: Diwata/IG


Maraming netizens ang nanghihinayang sa mga nasasayang na pagkain sa sikat na paresan business ng social media personality na si #Diwata, kilala rin bilang Deo Balbuena sa tunay na buhay. Usap-usapan sa social media ang mga natitirang pagkain na hindi nauubos ng mga customer na pumupunta sa kanyang negosyo. Ayon sa latest episode ng “Showbiz Updates” vlog ni #OgieDiaz noong Linggo, Mayo 12, tinalakay ni Ogie ang hinaing ng mga netizens tungkol sa mga tira-tirang pagkain sa paresan ni Diwata. Maraming customer ang nag-oorder ng unli rice ngunit hindi naman nauubos, kaya nagiging sanhi ito ng pagdami ng nasasayang na pagkain.


Ayon kay Ogie, “Dahil unli rice ito, nakikita unli iwan din ng rice. Kaya ‘yung iba sinasabi, sana kung ano lang kayang ubusin ‘yun ang hingin. Hindi porke P100 lamang ‘yung tinitinda ni Diwata e, aabusuhin n’yo na. Willing namang magbigay basta uubusin.” Maraming netizens ang nag-suggest na ipabalot na lang ang natitirang pagkain upang maipakain sa mga stray dogs at pusa sa kalye. Dagdag pa ni Ogie, “Kaya naman ‘yung iba talagang nakikiusap na sa kanilang mga comment na sana ibigay na lang daw sa stray dogs ‘yung mga sobrang ulam, sobrang kanin.”


Samantala, may mga supporters ni Diwata ang nagpahayag ng kanilang pakiusap sa mga taong nagbibigay ng tulong sa tinaguriang “Pares Diva” na sana'y tumulong din sa iba na mas higit na nangangailangan. May mga nagkomento na tila sumasakay na lang ang ibang tumutulong sa kasikatan ni Diwata para makakuha ng views at hits sa kanilang mga Facebook page at YouTube channel. Last week, nag-viral ang pagreregalo ng kotse ng isang car company kay Diwata, bukod pa sa ibinigay na bahay at lupa at P5 million worth of cash and business mula sa kapwa social media personality na si #RosmarTan.


No comments:

Post a Comment