Diwata Inexpand ang Pares Overload Hanggang Quezon City

 


Diwata Inexpand ang Pares Overload Hanggang Quezon City

Photo: Diwata/IG


Nito lamang Linggo, ika-26 ng Mayo, nagsimula ang operasyon ng bagong branch ng sikat na paresan ni Diwata sa Morning Star Drive sa Sanville Subdivision, Quezon City. Sa kanyang YouTube channel, ipinasilip ni Diwata ang loob ng kanilang bagong paresan, kung saan agad na napansin ang dami ng mga kostumer at vloggers na nag-aabang para makatikim ng kanilang paboritong putahe. 


Bukod sa pares overload, nag-aalok din sila ng iba't ibang variant tulad ng Diwata Sokoleyt, Hotdog Overload, Diwata Family Siken, at Spagiti Overload. Ang grand opening nito ay nakatakdang gawin sa Hunyo 2.


Bilang paghahanda sa paglago ng kanilang negosyo, inanunsyo ni Diwata na magbubukas sila ng mga sangay sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Layunin niya na paramihin ang kanilang kita at magbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga taong nagmamahal sa kanilang pares. Sa kanyang salaysay, sinabi niya, "Ang plano ko talaga yumaman. Kaya ie-expand ko 'yung Diwata Pares Overload ko sa Luzon, Visayas, at Mindanao para 'yung iba hindi na sila pumila." 


Kung nais mong matikman ang orihinal na Diwata Pares Overload, matatagpuan ito sa Diokno Blvd. sa Pasay City. Ang patuloy na pag-angat ng kanilang negosyo ay patunay sa galing at determinasyon ni Diwata na abutin ang mga pangarap at maging matagumpay sa industriya ng pagkain.

No comments:

Post a Comment