Diwata Ibinenta kay Boss Toyo ang Kaunaunahang Kaldero na Ginamit

 


Diwata Ibinenta kay Boss Toyo ang Kaunaunahang Kaldero na Ginamit


Kamakailan lamang ay bumisita si Diwata, ang kilalang online Pares owner, sa pawnshop ng tanyag na item collector na si Boss Toyo. Si Boss Toyo ay kilala sa pagbili ng mga mahahalagang gamit mula sa mga sikat na personalidad, kabilang ang mga jacket ni Francis M. at Manny Pacquiao. Sa kanyang pagbisita noong Mayo 20, bitbit ni Diwata ang kanyang kauna-unahang kaldero na ginamit sa kanyang Paresan noong nagsisimula pa lamang siya. Ang kalderong ito ay binili ni Boss Toyo sa halagang Php3000 at pinirmahan pa ni Diwata bilang tanda ng kanilang transaksyon.


Bilang tanda ng kanyang pasasalamat at suporta, binigyan ni Boss Toyo si Diwata ng dalawang pirasong ginto. Ayon kay Boss Toyo, ang mga gintong ito ay pampaswerte para kay Diwata at sa kanyang negosyo. Bukod pa rito, isang indibidwal na nagngangalang "Boss Eugene" ang nagbigay ng "Appreciation gift" kay Diwata. Ang regalong ito ay isang gold piyao bracelet na nagkakahalaga ng Php100,000 at isa pang gintong pampaswerte. Tuwang-tuwa si Diwata sa mga natanggap na regalo at sa matagumpay na transaksyon sa pawnshop ni Boss Toyo.


Sa kabila ng transaksyong ito, patuloy na nagpapasalamat si Diwata sa mga taong sumusuporta sa kanya at sa kanyang negosyo. Ang kanyang pagbisita kay Boss Toyo ay isang malaking hakbang para sa kanya, hindi lamang dahil sa halaga ng kalderong kanyang naibenta kundi dahil na rin sa mga biyayang kanyang natanggap. Sa tulong ng mga tulad ni Boss Toyo at Boss Eugene, lalo pang nabibigyan ng inspirasyon si Diwata na pagbutihin ang kanyang negosyo at ipagpatuloy ang kanyang pag-unlad.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts