Direktor Ronaldo Carballo Tinawag na 'Baluga’ si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo



Direktor Ronaldo Carballo Tinawag na 'Baluga’ si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo

Photo: Chelsea Manalo/IG


Pagkatapos tawagin na ‘baluga’ si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ng isang direktor, nagbigay ito ng paliwanag sa layuning patahimikin ang mga netizens.


Naalala na si Direktor Ronaldo Carballo ay nag-viral sa social media matapos ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa resulta ng Miss Universe Philippines, na ginanap noong nakaraang linggo.


Si Carballo ay suportado si Miss Cainta Stacey Gabriel sa patimpalak.


“Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan. Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!” aniya.


Sa isa pang post, ibinahagi ni Carballo na nakatanggap siya ng libo-libong mensahe mula sa mga netizens dahil sa kanyang mensahe laban kay Manalo.


Pinanindigan niya na hindi niya nilabag ang limitasyon sa paraan ng kanyang pagpuna sa resulta ng Miss Universe PH.


“Kinukuwestyon nila ako, komo hindi pumapabor sa kanila ang aking opinyon. Bakit daw negative ang reaksyon ko sa pagkapanalo ng Ms. Bulacan sa Ms. Universe Philippines 2024? Eh, kayo, bakit nyo sya gusto? Ganun lang yun. A matter of taste. Kani-kanya lang tayo ng bet,” paliwanag niya.


“Nothing personal. Hindi ko naman sya kilala at all. Ang reaksyon ko ay base lang sa resulta ng Pageant. Pero incase makita ko sya ng personal at may pagkakataon, I will congratulate her sincerely bilang Ms. Universe Philippines, gayung sya ang napiling mag-represent ng Pilipinas sa Ms. Universe Pageant sa Mexico City,” dugtong niya.


Tinindigan din ni Carballo ang kanyang prediksyon na hindi mararating ni Manalo ang Top 20 ng Miss Universe 2024, na gaganapin sa Mexico.


“So far, hindi pa ko nagkamali in the past results: Nung sinabi kong magiging Ms. Universe sina Katriona Grey at Pia Wurtzbach sa magkaibang taon, naging Ms. Universe nga sila talaga. Yung lahat din nang sinabihan kong, “She wouldn’t make it at the Ms. Universe”, hindi rin sila talaga lahat nagwagi. Andali naman kaseng i-judge ng Ms. Universe Pageant,” aniya.









No comments:

Post a Comment

Popular Posts