Direktor na si Ronaldo Carballo sa mga Writers ng FPJ's Batang Quiapo: 'Mga Gungong'

 



Direktor na si Ronaldo Carballo sa mga Writers ng FPJ's Batang Quiapo: 'Mga Gungong'

Photo: User/IG


Direktor na si Ronaldo Carballo tinawag na 'gunggong' ang mga writers ng FPJ's Batang Quiapo, kasama ang ilang matinding puna sa serye na pinamumunuan ni Coco Martin. Ibinulalas ni Carballo ang kanyang pagkadismaya sa paulit-ulit na eksena at monologue ni Tanggol, na ginagampanan ni Martin, na ayon sa kanya ay wala nang katuturan. Sa isang post, binigyang-diin niya ang pangangailangan ng 'quick scriptwriting workshop' para sa mga writers ng serye dahil sa kanilang pagkakamali sa scriptwriting.


Pinuna rin ni Carballo ang eksena kung saan umiiyak si Tanggol ngunit walang luha. "Juiceku! Saan ba nag-aral ng Scriptwriting ang mga gunggong na writers na ito?" tanong ng direktor. Ayon sa kanya, hindi na dapat inuulit ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mahabang monologue kung naipakita na ito sa visual na eksena. Dagdag pa niya, ang paulit-ulit na pagkukuwento ni Tanggol kay Bubbles ay hindi na nakakaantig dahil nakita na ito ng mga manonood sa mga nakaraang eksena. "Wala na yang saysay," aniya, kahit pa mag-overacting si Tanggol sa kadadrama nito.


Binanggit din ni Carballo ang hindi makatotohanang hitsura ni Tanggol matapos ang mahabang araw na puno ng matitinding pangyayari. Aniya, "Nakaka-destruct din sa akting 'no yung plantsadung-plantsado ang buhok mo, at ang ganda pa rin ng make-up mo na di ka man lang pinawisan." Sa huli, idiniin ni Carballo na dapat nauunawaan ng mga writers ang script structure at ginagamit ang tamang mga device para maiwasan ang hindi kailangang monologue. "Free quick scriptwriting workshop yan para sa mga gunggong na writers ng 'Batang Quiapo'," pagtatapos niya.

2 comments:

  1. Gustong maging relevant. Palibhasa napaglipasan na ng panahon. Bumalik ka na lang sa pagiging cheap showbiz chismosa reporter. LAOS LOSER!

    ReplyDelete