Coco Martin May Isisiwalat sa Relasyon nya kay Julia Montes



Coco Martin May Isisiwalat sa Relasyon nya kay Julia Montes

Photo: Coco Martin and Julia Montes/IG


Sa isang panayam, buong tapang na inamin ni Coco Martin ang tunay na relasyon sa pagitan nila ni Julia Montes. Sa mga salita ni Coco sa panayam ni MJ Marfori ng TV Patrol, lumalabas ang tunay na damdamin niya para kay Julia.


Sa watch party ng “Unbreak my Heart,” kasama ni Coco at Julia, napansin ng marami ang bulaklak na hawak ni Coco. Nang tanungin siya ni MJ Marfori kung para kay Julia ba ang mga bulaklak, walang pag-aatubiling sinagot ni Coco, “Para kay Julia… para sa pagmamahal namin sa kanya,” sabay ngiti.


Tinanong pa ni MJ si Coco hinggil sa kanyang pagmamahal kay Julia, at ang sagot niya, “Alam n’ya na ‘yon,” sabay tawa. Sa paningin ni Coco, hindi na sila mga bata at ang nakikita at naiisip ng mga tao ay totoo na umano.


Muling bumalik sa alaala ang mga balitang nagliligawan sina Coco at Julia noong 2011. Bagamat may mga ulat na lumabas hinggil sa kanilang relasyon, wala silang kailanman na nagbigay ng kumpirmasyon. Kaya ang pag-amin ni Coco sa panayam ni MJ Marfori ay maituturing na ang pinakamalakas na kumpirmasyon ng kanilang pagmamahalan at relasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts