Celeste Cortesi, Miss Universe Philippines 2022 Umalma sa Resulta ng Miss Universe Philippines 2024

 



Celeste Cortesi, Miss Universe Philippines 2022 Umalma sa Resulta ng Miss Universe Philippines 2024

Celeste Cortesi/IG


Celeste Cortesi, Miss Universe Philippines 2022, naglabas ng saloobin sa resulta ng Miss Universe Philippines 2024 sa pamamagitan ng X post na, “WHAT JUST HAPPENED,” na naka-all caps pa. Sa kasunod na post, inamin niyang si Christi McGarry ng Taguig ang kaniyang bet, ngunit ito ay nagtapos lamang bilang 4th runner-up. Nagbigay din siya ng papuri kay McGarry sa kanyang ganda at perpektong sagot.


Dahil dito, iba't ibang reaksyon ang natanggap ni Celeste mula sa netizens. May mga bumatikos sa kanya, pinupunto ang kanyang pagkatalo sa international pageant at sinabing wala siyang karapatan magbigay ng opinyon. Ayon sa isang netizen, “te, kapag sinira ang 13 years of placement streak at unplaced sa international pageant, walang K tumalak at mag bigay ng opinyon." Mayroon din namang nagtanggol sa kanya, sinasabi na may karapatan siyang mag-root para sa kanyang mga bet at magbigay ng opinyon bilang isang ordinaryong viewer.


Matapos makatanggap ng maraming reaksyon, nilinaw ni Celeste ang kanyang post. Ipinaliwanag niya na ang ibig niyang sabihin sa “what happened” ay kung paano na-distribute ang mga korona. Aniya, "Ya’ll need to chill. Haha. What I meant by what happened is how the other crowns were distributed. Where’s Cainta? where’s Taguig? Stop trying to make an issue, I have my bets but I fully support who ever wins.” Dagdag pa niya, “Now, woke up in Bali. Peace out everyoneeee πŸ«°πŸΌπŸ˜‚”


Si Chelsea Anne Manalo ng Bulacan, isang professional model, ang nanalong Miss Universe Philippines 2024, na naging sentro ng kontrobersya dahil sa mga reaksyon ng netizens at mga dating beauty queen tulad ni Celeste.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts