Cedric Lee Iginiit na sya ay Inosente sa Kaso

 



Cedric Lee Iginiit na sya ay Inosente sa Kaso


Sa harap ng publiko, nanindigan ang negosyanteng si Cedric Lee na siya ay walang sala sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya, kung saan kamakailan ay nahatulan siya ng korte na guilty. 


Iginiit ni Lee na sila ay mag-aappeal at gagamitin ang lahat ng legal na pamamaraan upang patunayan ang kanyang inosensya. Ayon sa kanya, walang nangyaring illegal detention, at kung susuriin ang lahat ng elemento ng krimen, wala itong basehan. Sinabi rin ni Lee na ang nangyari lamang ay isang pag-aaway na nauwi sa mga banat. Inilahad niya na may mga bahagyang pinsala sa katawan, at hindi daw nararapat na magdulot ng habambuhay na pagkakakulong ang simpleng away lamang.


Binanggit din ni Cedric Lee ang kanyang kasama na si Deniece Cornejo, na ayon sa kanya ay biktima rin ng pang-aabuso, ngunit siya pa ang nakakulong. Tinukoy rin niya ang ibang personalidad na may kinalaman sa kaso, na sa kanyang pananaw ay hindi naman nagsasabi ng totoo at patuloy pa sa kanilang mga gawain sa industriya kahit may mga kaso ng pang-aabuso laban sa kanila.



.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts