Bobby Andrews, Ibinahagi ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Hindi Sila Nagkatuluyan ni Angelu De Leon

 



Bobby Andrews, Ibinahagi ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Hindi Sila Nagkatuluyan ni Angelu De Leon

Photo: Bobby Andrews and Angelu De Leon/IG


Sa isang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, Mayo 21, isiniwalat ng aktor na si Bobby Andrews ang tunay na dahilan kung bakit hindi sila nagkamabutihan ng kanyang ka-loveteam na si Angelu De Leon sa totoong buhay. Ayon kay Bobby, mayroon siyang nobya na nagngangalang Bienne noong panahon ng kanilang tambalan.


Sumikat si Bobby Andrews noong dekada '90 sa programa ng GMA na "TGIS," kung saan naging ka-loveteam niya si Angelu De Leon. Ang kanilang tambalan ay isa sa mga pinaka-kinakikiligan ng mga manonood noong panahong iyon. Ang kanilang magandang chemistry sa harap ng kamera ay nagpakilig sa masa at nagbigay ng pag-asa sa kanilang mga tagahanga na baka maging tunay ang kanilang relasyon.


Ngunit sa pag-amin ni Bobby, habang nasa kasagsagan ng kanilang tambalan, mayroon siyang karelasyon na si Bienne. Dahil sa kasikatan at tambalan nila ni Angelu, hindi niya nagagawang ilabas at ipasyal si Bienne nang hindi patago. Palaging palihim ang kanilang mga date, ngunit naiintindihan naman umano ni Bienne ang sitwasyon.


Nang mabuwag ang loveteam nila ni Angelu, agad na pinakasalan ni Bobby si Bienne noong taong 2000. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak. Sa kabila ng hindi pagiging magkatuluyan nila ni Angelu, masaya at kontento si Bobby sa kanyang buhay kasama ang kanyang asawa at pamilya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts