Billy Crawford May Aaminin sa Kanyang Totoong Kalusugan

 





Billy Crawford May Aaminin sa Kanyang Totoong Kalusugan

Photo: Billy Crawford/IG


Trending pa rin ang isyu hinggil sa tila sobrang pagpayat ni Billy Crawford. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng isyu si Billy hinggil sa kanyang biglaang pagpayat. Noong mga nakaraang taon, pinaghinalaan pa siya na adik sa ipinagbabawal na gamot. Ito ay sinagot ni Billy sa isang panayam at ipinaliwanag ang totoong dahilan ng kanyang pagpayat.


Maraming netizens ang naalarma sa biglaang pagpayat at haggard look ni Billy Crawford. Ito ay napansin ng marami sa isang video na ibinahagi ng kanyang asawang si Coleen Garcia. Sa nasabing video, makikita si Billy na haggard, humpak ang mukha at may dark circles sa mga mata. Kaagad na umani ng mga komento ang naturang video at ilan ang nagpabatid ng pag-aalala. Mayroon din naman na nagsasabi na tila may bisyo umano ang singer. Sinagot na ito ni Coleen sa pamamagitan ng isang IG story. Ayon kay Coleen, natural na kay Billy ang may dark circles sa mga mata. Kung walang make-up ganoon umano ang itsura ng kanyang asawa. Siniguro rin ng aktres na healthy ito at walang anumang bisyo.


Kung matatandaan, nagsalita na rin si Billy hinggil sa isyung ito noon pa man. Sa isang panayam, sinabi ni Billy na siya ay malusog. Wala rin umano siyang bisyo tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at lalo na ang paggamit ng bawal na gamot. Ayon kay Billy, “A lot of people have been talking on my behalf… alleging that I’m an addict or whatever. But first of all, I think it’s unfair to tell someone what they are. I don’t do drugs, I have stopped drinking alcohol. I don’t smoke. I have no vices.” Paliwanag niya pa na sa tulong umano ng Maykapal, naililihis niya ang sarili sa anumang bisyo. “There had been temptations. But with a snap of a finger, he led me away from them. Nililihis ako sa bisyo. I’m thankful for that,” ayon pa sa singer. Nagbiro na lamang si Billy na marahil siya ay pumayat dahil sa bigat ng kanyang anak. “I’m 148 lbs. I feel healthy and I feel good. I don’t necessarily exercise tremendously, but I eat right, drink enough water. And maybe my child is just heavy! It can get tiring,” pahayag ni Billy. Samantala, nagbahagi naman ng isang IG story si Billy kung saan malinaw na makikita ang kanyang mukha. Bagaman medyo mapayat pa rin, mapapansin na maaliwalas ang kanyang mukha. Sa caption nito, sinabi niya ang mga katagang “Me after getting over jetlag! Kalma madlang people.”


No comments:

Post a Comment

Popular Posts