Barbie Forteza May Ibinyunyag kung Paano ang Trato ng Pamilya sa kanyang Boyfriend

 

Barbie Forteza May Ibinyunyag kung Paano ang Trato ng Pamilya sa kanyang Boyfriend
Photo: Barbie Forteza/IG

Muling bumisita at nakisaya ang "Kapuso Primetime Princess" na si Barbie Forteza sa “It’s Showtime” noong Martes, Mayo 14, 2024. Marami ang nakapansin sa pagsama ng kanyang pamilya sa pagbisita sa nasabing palabas. Spotted sa studio ang ama ng award-winning actress na si Antonio Forteza. Hindi ito nakalampas sa mga katanungan ng ilang host sa nasabing noontime show.


Ika nga ng TV host-actor na si Vhong Navarro, "Kayo ho po ba, daddy, nanaginip din ba kayo na may ka-chat si Barbie noon kung maalala n’yo?" Nagkaroon ng ideya ang actor-host matapos ang sagutan ng kanyang co-hosts tungkol sa “Parenting Styles” kaugnay sa pagiging strict o bukas sa kanilang mga anak pagdating sa pag-ibig. Sagot ng ama ni Barbie, "Wala naman pong gano’n kasi malaki po ang tiwala ko kay Barbie."


Dagdag tanong pa ni Vhong, "Hindi po kayo naging mahigpit sa pagbo-boyfriend niya?" Wika naman ng ama ni Barbie, "Kahit hanggang ngayon, may tiwala ako kay Barbie." Ayon naman kay Barbie, bukas ang lahat ng kanyang pakikipagrelasyon sa mga magulang at wala siyang nililihim sa mga ito. Sambit pa ng dalaga, "Ever since, alam ng lahat ng buong pamilya ko yung mga naging crush, naging MU ko. Talagang all throughout the process of puberty, womanhood, nandoon sila sa tabi ko to guide me."

No comments:

Post a Comment

Popular Posts