Banat ni Xian Lim na Mahirap Sya Katrabahon: '“What a friggin joke...'

 



Banat ni Xian Lim na Mahirap Sya Katrabahon: '...I’m just passionate about my craft...'

Photo: Xian Lim/IG


Nagbigay ng tugon si Xian Lim sa mga akusasyong mahirap siyang katrabaho at ginawang miserable ang buhay ng mga GMA writers. Ang isyung ito ay lumabas matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang dating kasintahan na si Kim Chiu. Isang writer mula sa GMA, na nagngangalang Brylle Tabora, ang nagsabing mahirap umanong katrabaho si Xian at ginawa nitong miserable ang kanilang buhay bilang TV writers.


“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!” ang naging pahayag ni Tabora na nagdulot ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizen.


Sa isang panayam, diretsahang pinabulaanan ni Xian ang mga akusasyong ito. Sinabi niyang wala itong katotohanan at hindi niya kilala ang nasabing writer. Ayon kay Xian, nagbibigay lamang siya ng opinyon at nagtatanong tungkol sa kanyang karakter, dahil ito ang kanyang trabaho bilang isang aktor. “But to answer your question, am I difficult to work with? I don’t think so. I speak my mind on the set. I raise concerns, I give an opinion and ask questions about the character I am about to portray. As I should because it’s my job to bring life to it… Maybe it comes off as difficult to other people…I’m just passionate about my craft,” sagot ni Xian.


Idinagdag pa ng aktor na mas madali para sa mga tao na paniwalaan ang mga negatibong balita tungkol sa mga artista kaysa makita ang kanilang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho. “Sadly, when it comes to these kinds of rumors, it’s easier to believe that artists are being difficult. That’s the easiest fruit to pick. Rather than seeing how much effort we are putting in. Let’s remember that there are always two sides to the story,” paliwanag ni Xian.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts