Babaeng Pinaringgan ni Andi Eigenmann na Diumanong Nag-akit sa Kanyang Asawa, Pumalag!

 

Babaeng Pinaringgan ni Andi Eigenmann na Diumanong Nag-akit sa Kanyang Asawa, Pumalag!

Photo: Crissa & Philmar/IG


Si Crissa Liaging, ang babaeng pinaringgan ni Andi Eigenmann matapos maging usap-usapan sa social media ang kanilang viral video, ay may bagong post. Ang nasabing video, na nagpapakita kay Crissa at Philmar Alipayo na tila nagkakausap habang lasing, ay naging sanhi ng mga espekulasyon mula sa netizens tungkol sa umano'y panloloko ni Philmar kay Andi.


Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon, na sana'y huwag saktan ni Philmar si Andi dahil sa malaking sakripisyo nito sa pag-iwan ng buhay sa syudad upang maging isang island girl. Sa kabila nito, nilinaw ni Crissa na walang malisya ang nasabing video at wala silang masamang intensyon. Sinabi rin ni Andi na pinapayagan niya si Philmar na makihalubilo sa mga kaibigan at walang masama sa pag-inom at pakikipag-usap.


Ayon kay Andi, masama umano ang mga taong nag-eedit at nagpo-post ng video upang magdulot ng kaguluhan at negativity para lamang sa social media attention. Matapos kumalat ang video, inamin ni Crissa na nagkamali siya sa pag-post nito at ipinaliwanag na ang tugtog sa video ay kanyang paboritong kanta. Sa kanyang bagong post, nagbahagi si Crissa ng litrato na may caption na "Tao lang po nagkakamali," na tila tugon sa mga netizens patungkol sa viral video.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts