Ang mga Anak nina Paolo Contis Gusto Diumanong Palitan na ang Kanilang Apelyido

 



Ang mga Anak nina Paolo Contis Gusto Diumanong Palitan na ang Kanilang Apelyido

Photo: Paolo Contis/IG


Ang mga anak nina Paolo Contis at Lian Paz na sina Xonia at Xalene ay nagpahayag ng kagustuhan na palitan ang kanilang apelido. Sa kabila ng kanilang mga tagumpay sa paaralan, ang pagkawala ni Paolo sa mahahalagang okasyon sa kanilang buhay ang nagbigay daan sa desisyon na ito. Sa isang post ni Lian, ipinaalam niya sa kanyang mga tagasunod na ang mga anak ang unang humiling na baguhin ang kanilang apelyido.



Ang pagpapalit ng apelyido ng mga bata ay agad na pinuri at sinuportahan ng mga netizens. Marami ang naniniwala na ang apelyido ni John Cabahug, kasalukuyang kasintahan ni Lian, ang dapat nilang dalhin. Sa kanilang pananaw, si John ang tunay na nag-alaga at nagpaka-amang sa kanila.


Matatandaang noong 2012 ay naghiwalay sina Paolo at Lian, at mula noon ay wala raw siyang natanggap na suporta para sa mga anak. Bagamat inamin ni Paolo na hindi niya sinusuportahan ang kanyang mga anak, sinabi niya na nag-iipon siya para sa kanilang kinabukasan. Gayunpaman, hindi pa nagbigay ng opisyal na tugon si Paolo sa desisyon ng kanyang mga anak na alisin ang kanyang apelyido.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts