Andi Eigenmann, Sinagot ang Isyu ng Panloloko Umano ng Asawang si Philmar Alipayo

 



Andi Eigenmann, Sinagot ang Isyu ng Panloloko Umano ng Asawang si Philmar Alipayo

Photo: Andi Eigenman and Philmar Alipayo/IG


Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ng dating aktres na si Andi Eigenmann tungkol sa panloloko diumano sa kanya ng kanyang asawang si Philmar Alipayo. Lumabas kasi ang balitang ito matapos kumalat ang isang TikTok video na may kasamang babae si Philmar. Nakilala naman ang babaeng kasama ni Philmar na may-ari ng isang skin care brand, na nilinaw na huwag gawan ng isyu ang pag-uusap nila ni Philmar. Sa isang video, sinagot diumano ng babae ang tanong matapos sabihan siya ng mga tao na huwag umanong guluhin ang buhay na tahimik nina Andi Eigenmann. Ayon sa kanya, huwag umanong lagyan ng isyu ang pag-uusap nila dahil wala umanong silang ginagawang masama. Sagot niya, "Wag nyong lagyan ng issue ang usapan namin ni Philmar, wala tayo sa kalingkingan ng kagandahan ni Andi."


Samantala, nagsalita diumano si Andi Eigenmann upang basagin ang mga isyu ngayon sa social media tungkol sa kanyang asawa. Ayon kay Andi, wala umanong problema kung minsan ay lumalabas si Philmar kasama ang mga barkada. Ang mas nakakahiya umano ay ang paggawa ng mga video na kung saan na-edit na upang palabasin na may ginagawang masama ang kanyang asawa. Pahayag ni Andi, "He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that. What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention."


Nagbigay naman ng iba't-ibang komento ang netizens tungkol sa isyu. Marami ang pumuri kay Andi sa kanyang pagiging matalino at mature na pag-handle ng sitwasyon. Isa sa mga netizen ay nagsabing, "Andi is a matured, secured and intelligent woman indeed. She knows her partner and life well. No to negative." Ang iba naman ay nagbigay-diin na bihira na ang ganitong uri ng pag-iisip at kinokondena ang mga taong mahilig gumawa ng isyu. Isa pang netizen ang nagkomento, "Most of the time yung mga nagsisimula ng ganitong issues eh sila talaga yung mga tao na nakakaranas ng ganito and they are just looking for other people to lash it out. Geez! Get a life people!" Marami rin ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Andi, hinihikayat siyang huwag magpadala sa mga negatibong tao at purihin siya bilang isang matalino, maganda, at intelligent na babae.

No comments:

Post a Comment