Si Daniel Padilla Diumano ang Rason Kung Bakit Na Tsugi ang Part 2 ng "Hello Love Goodbye" Dahil sa Selos?

 



Si Daniel Padilla Diumano ang Rason Kung Bakit Na Tsugi ang Part 2 ng "Hello Love Goodbye" Dahil sa Selos?

Photo: Daniel Padilla/IG


Nag-react na si Direk Cathy Garcia-Sampana sa isyung hinadlangan umano ni Daniel Padilla ang paggawa ng part 2 ng "Hello Love Goodbye" dahil sa selos. 



Sa isang panayam ng Pep.ph kay Direk Cathy, malinaw niyang itinanggi ang nasabing tsismis. Ayon kay Direk, wala raw karapatan si Daniel na pigilan ang isang napakalaking proyekto.


Dagdag pa ni Direk Cathy, mayroon din namang sariling desisyon si Kathryn. Kung gusto ni Kathryn gawin ang part 2 ng pelikula, iyon ay kanyang desisyon. Nilinaw din ni Direk Cathy na wala pang final na desisyon kung magkakaroon ng part 2 ng "Hello Love Goodbye."


Ipinunto ni Direk Cathy na tulad ng pelikulang "One More Chance" nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kailangan ding bigyan ng oras at tamang timing ang anumang sequel o bagong bahagi ng pelikula. Sa ngayon, patuloy na pinag-aaralan ang mga posibleng hakbang para sa proyekto.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts