Sarah Lahbati May Bagong Instant Boyfriend Rumors?

 



Sarah Lahbati May Bagong Instant Boyfriend Rumors?

Photo: Screen grab from Ogie Diaz/YouTube; Sarah Lahbati/IG


Ang larawan ni Sarah Lahbati kasama ang isang lalaki sa isang restaurant sa Hongkong ang nagtrending sa social media matapos itong ibahagi sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz. 


Ayon sa nagpadala ng larawan kay Ogie, sina Sarah at ang lalaki ay kumakain nang magkasama, na hindi kasama ang mga anak ni Sarah sa oras na iyon. 



Ito ay nagbigay daan sa mga spekulasyon ng netizens na maaaring ito na ang bagong karelasyon ni Sarah o di kaya ay isang manliligaw. Gayunpaman, ayon kay Ogie, posibleng kamag-anak lamang ito ng aktres.


Sa panig ni Mama Loi, ang co-host ni Ogie, pinunto naman na hindi dapat bigyan ng masamang kahulugan ang mga larawan ni Sarah kasama ang naturang lalaki. 


Ipinahayag niya na hiwalay na raw ang aktres sa kanyang asawa na si Richard Gutierrez, at kasalukuyan na umanong pina-process ang kanilang annulment. Ipinunto ni Mama Loi na hindi dapat bigyan ng anumang kulay o haka-haka ang mga larawan, at hindi dapat magdulot ito ng anumang negatibong interpretasyon sa pribadong buhay ni Sarah.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts