Rosmar Tan Tinapatan Diumano ang Pares Overload ni Diwata?

 



Rosmar Tan Tinapatan Diumano ang Pares Overload ni Diwata?

Photo: 

Parang talagang patok na patok ngayon ang konsepto ng "overload," pati na rin sa negosyo ni Rosmar Tan. Sa kanyang Facebook account, ipinapakita niya ang kanyang endorsement ng "Rosmar pares overload" na nagkakahalaga lang ng ₱100. 


Sa nasabing halaga, makakakuha ka na ng pares na may kasamang lechon kawali at chicharon bulaklak. Hindi lang iyon, kasama rin dito ang unlimited java o white rice, unlimited sabaw, at isang softdrinks.


Ngunit hindi lang sa pagkain nagtatapos ang kasiyahan dahil kasama rin sa ₱100 ang unlimited swimming at pagtambay sa kubo, unlimited laro sa playground, unlimited na paglalaro ng basketball, at unlimited beerpong.



"Kahit walang pambayad sa outing o resort? Dito ka na lang! Basta kakain ka, UNLI SWIMMING NA! May table and chair din na may electricfan/aircon o kubo with pine trees depende sa trip mong pwestuhan. May videoke rooms din na air-conditioned," sabi ni Rosmar. Makikita ang paresan ni Rosmar sa kanyang resort sa Laguna na "R Mansion Resort & Restobar."


Bukas daw sila mula Lunes hanggang Linggo, mula 10 AM.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts