Ria Atayde Nagpakasal kay Zanjoe Marudo dahil Diumanong Buntis?

 





Ria Atayde Nagpakasal kay Zanjoe Marudo dahil Buntis?

Photo: Ria Atayde & Zanjoe Marudo


Ayon sa isang source ni Cristy Fermin, tatlong buwan nang buntis ang aktres na si Ria Atayde sa kanyang unang anak kasama si Zanjoe Marudo. 


Ipinahayag ito ng beteranang kolumnista sa isa sa kanyang mga episode sa programa na "Cristy Ferminute." Bagamat hindi pa ito opisyal na kinukumpirma ng mag-asawa o kanilang pamilya, nagbigay ng impormasyon ang source tungkol sa magandang balita para sa dalawa.


Sa panig ng pamilya Marudo at Atayde, ikinatutuwa raw ang balitang ito, subalit mas magandang marinig ang opisyal na pag-amin mula mismo sa kanila o sa kanilang mga pamilya. 


Noong nakaraan, itinanggi ng kapatid ni Ria na si Gela ang balitang ito, na sinabing ang posibilidad ng pagkakaroon ni Ria ng baby ay isang milagro dahil sa kanyang kondisyon na polycystic ovary syndrome o PCOS.


Ang kasal nina Zanjoe at Ria ay idinaos noong March 23, 2024 sa isang civil wedding ceremony.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts