Patrick Garcia Diretsahang Sinabi na Binusted Sya Noon ni Anne Curtis

 




Patrick Garcia Diretsahang Sinabi Binusted Noon si Anne Curtis

Photo: Patrick Garcia/IG


Sa isang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" na ginanap noong April 3, ibinunyag ni Patrick Garcia, isang kilalang aktor noong dekada '90, na binasted siya noon ng aktres na si Anne Curtis. 



Matapos tanungin kung may artista na nagbasted sa kanya, agad na itong sinagot ni Patrick ng "Anne Curtis." 


Bagamat hindi nagbigay ng mga detalye hinggil sa pangyayari, ibinahagi niya na ito ay nangyari noong mga taong 1999 at ito lang daw ang unang pagkakataon na inilabas niya ang kwento. 


Ngunit hindi nagbigay ng iba pang detalye si Patrick tungkol sa kanyang panliligaw kay Anne.


Ngayon, pareho nang may sariling pamilya sina Anne at Patrick, na parehong may asawa at anak.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts