Ogie Diaz Diretsahang Diumano Di Nagustuhan ang Pares Overload ni Diwata?

 



Ogie Diaz Diretsahang Diumano Di Nagustuhan ang Pares Overload ni Diwata?

Photo: Ogie Diaz/YT


Sa kanyang "Showbiz Update Vlog," ibinahagi ni Ogie Diaz ang opinyon ng kanyang kaibigan tungkol sa Pares Overload ni Diwata, kung saan sinabi nitong "di raw kasundo ng kanyang panlasa" ang nasabing pagkain. 


Nagpaliwanag si Ogie na maaaring iba-iba ang panlasa ng mga tao at baka sakali ay kasundo naman ito ng iba. Binanggit niya na maganda sana na malaman ito ni Diwata upang mapaunlad pa ang kanyang produktong pares.


"Siguro, maganda sigurong sinasabi natin ito para at least, aware si Diwata na pasarapin pang lalo ang kanyang pares lalo na at bonggang bongga na siya noh?" ani Ogie. 


Pagkatapos, nagpahayag siya ng pag-asa na hindi lamang hype ang negosyo ni Diwata at nagbubunga ito ng matagumpay. Pinuri rin niya ang tagumpay ng LGBTQ+ community at pinahayag na masarap makitang nagtatagumpay sila nang hindi nagbibisyo-bisyo.


.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts