Nova Villa Pumalag sa Balita na Diumano May Anak sila ni FPJ

 



Nova Villa Pumalag sa Balita na Diumano May Anak sila ni FPJ

Photo: Nova Villa/FB


Sa wakas, binasag ni beteranang aktres Nova Villa ang kanyang katahimikan tungkol sa matagal nang tsismis na umiikot tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni dating actor na si Fernando Poe Jr. 


Sa isang vlog ni Morly Alinio, tanong ito ni Morly kay Nova: "Tita Nova, tanong ko lang, tutal matagal na rin naman itong pinag-usapan. Nagkaroon daw kayo ng anak ni FPJ?" Diretso naman ang sagot ni Nova: "Hindi po. 


Walang gano’n." Sinabi rin ni Nova na kung mayroon man silang anak, hindi niya ito idedeny, ngunit wala raw nangyaring ganun.


Dagdag pa ni Nova, mayroon siyang anak na babae at apat na apo na nasa Amerika. Ipinaalam din niya na ang kanyang asawa ay hindi taga-showbiz. Sa paglantad na ito, nagtapos na ang malalim na pagtatanong at espekulasyon hinggil sa naturang isyu.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts