Mark Bautista Nabisto Diumano sa Pagiging Tunay na Kapuso?

 


Mark Bautista Nabisto Diumano sa Pagiging Tunay na Kapuso?

Photo: Mark Bautista/IG


Matapos hindi mahulaan ang tunog ng GMA-7 station ID sa "Karaokids" segment ng It's Showtime, sinabi ni Mark Bautista ang linyang "Lagot ako." 


Si Mark ay isa sa mga special guest sa premiere episode ng It's Showtime sa GMA-7 nitong Sabado, April 6, 2024. 


Sa naturang episode, tinanong si Mark kung alam niya ang tono ng GMA station ID na "Kapuso Anumang Kulay Ng Buhay," ngunit hindi niya ito natamaan.


Nang iparinig naman ang tono ng "Star ng Pasko," ang Christmas Station ID ng ABS-CBN noong 2009 kung saan kasama siya sa mga kumanta noong siya ay nasa Kapamilya network, agad itong nakuha ni Mark. 


Ipinakita nito ang kanyang kaalaman at kaugnayan sa industriya, bagay na ikinatuwa ng mga manonood.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts