Kilalang Pares Vendor na si Diwata Aarangkada na sa Batang Quiapo

 



Photo: Diwata/FB


Kilalang Pares Vendor na si Diwata Aarangkada na sa Batang Quiapo



Pasok na sa hit series na FPJ's Batang Quiapo ang kilalang "Pares" vendor na si Diwata. 


Kinumpirma ni Diwata sa isang panayam ng kapwa niya vlogger na Art TV na siya ay parte na ng nasabing serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon kay Diwata, kasalukuyang nakakapag-taping na siya para sa serye. Ilan sa mga kasamahan niya sa taping ay sina Ivana Alawi, Kim Rodriguez, at mismong si Coco Martin. Hindi pa niya tiyak kung kailan ang susunod na taping ngunit excited siya sa pagkakataong makasama sa nasabing teleserye.

Maraming netizens ang natuwa at naging sabik nang malaman na kasama si Diwata sa FPJ's Batang Quiapo. 

Marami ang nag-aabang sa kanyang pagganap sa serye at inaasahang magbibigay ito ng dagdag na kasiyahan sa mga manonood.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts