Kathryn Bernardo Pinag-aagawan Diumano nina Jericho Rosales at Alden Richards?

 



Kathryn Bernardo Pinag-aagawan Diumano nina Jericho Rosales at Alden Richards?

Photo:

Kathryn Bernardo/IG

Jericho Rosales/IG

Alden Richards/IG


Sa isang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, ibinahagi niya ang balita tungkol sa umano'y panliligaw ni Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo. 


Ayon sa kanyang source, nagpaparamdam umano si Jericho kay Kathryn, ngunit tila mas boto ang pamilya ng aktres kay Alden Richards bilang manliligaw. Ito'y naging pasabog na balita para sa mga tagahanga ng showbiz.


Napansin ng publiko ang madalas umanong pagkakasama nina Kathryn at Jericho kamakailan, na nagdulot ng espekulasyon na maaaring nagpaparamdam ang aktor sa aktres. Ngunit sa kabila ng mga usap-usapang ito, tila wala si Jericho sa kamakailang housewarming ng aktres, na naging dagdag na punto ng intriga.


Si Kathryn Bernardo ay isang kilalang aktres sa industriya ng showbiz na unang nakilala sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You" bilang batang Cielo. Kinalaunan ay naging tanyag sa tambalan nila ni Daniel Padilla, na kilala bilang "KathNiel." Habang patuloy na umiikot ang mga balita at ispekulasyon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, si Kathryn ay patuloy na tinatamasa ang tagumpay sa kanyang karera.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts