Joey de Leon Pikon Diumano sa Bali-balitang Nalulugi ang Kanilang Noontime Show 'Eat Bulaga'? Joey, May Pinariringgan?

 


Joey de Leon Pikon Diumano sa Bali-balitang Nalulugi ang Kanilang Noontime Show 'Eat Bulaga'? Joey, May Pinariringgan?

Photo: Joey de Leon/FB


Nagpaka-generous diumano si former Senator Tito Sotto sa pagbibigay ng cash prizes sa live audience sa 'Gimme 5: Laro ng mga Henyo' segment ng 'Eat Bulaga' nitong Miyerkules. Ginawa diumano ito ni Tito Sen upang patunayan na hindi raw nalulugi ang kanilang noontime show at TVJ Productions, Inc., at na walang katotohanan na magsasara na raw sila.


Sabat naman diumano ni Joey de Leon, "Tito, naiinggit lang ang mga ‘yan dahil hindi sila kasali sa Top 5 longest running show in the world!" 


Dagdag pa diumano ng dating Senate President, upang mapatunayan na fake news ang mga tsismis na nagsasabing nalulugi na sila, bibigyan daw nila ng kopya ang media ng filed income tax return nila sa BIR sa Huwebes.


Diumano, hinamon ni  Joey ang ibang show o channel na umabot ng 15 taon, o kahit 45 taon, para mapatunayan ang kanilang tagumpay. Dagdag pa ni Joey, bastusan na diumano ang labanan sa industriya at halata raw na mayroong mga taong may masamang ugali. Samantala, nanatiling tahimik si Vic Sotto at pinatawa lamang ang sitwasyon habang naglilitanya ang kanyang kapatid na si Tito Sen at kaibigan na si Joey. 


Sa huli, muling ipinapaalala ni Tito Sen sa publiko na fake news ang mga balitang nagsasabing magsasara na ang 'Eat Bulaga'.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts