Janella Salvador Nagbardagulan sa Negative Comments ng Netizens Dahil sa Pag-postpone ng Kanyang "Reimagined" Concert?

 


Janella Salvador Nagbardagulan sa Negative Comments ng Netizens Dahil sa Pag-postpone ng Kanyang "Reimagined" Concert?

Photo: 

Star Magic/X

Janella Salvador/X


Sa gitna ng mga kritisismo, ipinakita ni aktres at mang-aawit na si Janella Salvador ang kanyang kakaibang pambabara sa mga bashers matapos ihayag ng Star Magic ang pag-postpone ng kanyang "Reimagined" concert noong Miyerkules dahil sa mga di-inaasahang pangyayari. 


Sa kanyang quote retweet sa anunsyo ng Star Magic, sinabi ni Salvador, "Paos kasi siya,,, kayo nalang !!! 🤪🤣 Ayan inunahan ko na kayo mwah," nagpapakita ng kanyang kakaibang sense of humor at pagiging sassy sa harap ng mga negatibong puna.


Kasunod ng kanyang hindi pagsasagawa ng "sample" sa It's Showtime kamakailan dahil sa kanyang paos na boses, marami ang nagpahayag ng kanilang kritisismo sa kanya. 


Gayunpaman, agad na dumepensa ang ilang netizens, na nagpapakita ng kanilang pag-unawa sa kalagayan ng artist at paggalang sa kanyang personal na kondisyon at mga hangganan.


Ang inaasahang concert ni Salvador, na dapat sana'y idaraos sa April 19, 2024, ay na-postpone sa isang mas naaangkop na petsa. Sa kabila ng mga hamon at kritisismo, patuloy na pinatunayan ni Janella Salvador ang kanyang galing at determinasyon sa larangan ng entertainment.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts