Ivana Alawi Natuhog na nga ba ang Damdamin sa Kamandag ni Coco Martin?

 



Ivana Alawi Natuhog na nga ba ang Damdamin sa Kamandag ni Coco Martin?

Photo: Ivana Alawi/IG


Walang kyemeng sinagot diumano ni Ivana Alawi ang katanungan kung nainlove nga ba siya sa kanyang leading man na si Coco Martin sa hit series na "FPJ's Batang Quiapo." 



Sa vlog diumano ni Ivana nito lamang April 12, ang kanyang content ay ang ‘Never Have I Ever Challenge’ kasama ang kanyang pamilya. Ang mga tanong diumano doon ay galing sa kanyang mga fan mula sa Instagram.


Isa diumano sa mga tanong ay kung nahulog ang loob ni Ivana kay Coco Martin.


Ayon diumano kay Ivana, naging crush niya si Coco ngunit hindi raw siya nainlove.


"Hindi! Naging crush ko siya, hinahangaan ko siya, pero may limit `yon! I respect him. Hindi ako in love sa kanya. As an artista, hindi puwedeng, ay in love ako sa kanya. Hindi puwede. Kailangan may limits ka. Kailangan may respeto ka sa kapwa mo artista!” sabi diumano ni Ivana.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts