FranSeth Ayaw Diumano Maging 'KathNiel'?

 




FranSeth Ayaw Diumano Maging 'KathNiel'?


FranSeth nagreact na matapos silang sabihang “the next KathNiel.” Nagreact na ang isa ngayon sa kilalang Kapamilya Loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa bansag sa kanila na sila na ang next KathNiel.


Sa isang panayam ay sinabi ni Seth na hindi nila mapapalitan ang KathNiel at gusto nila na makilala bilang si Seth at Francine.


 “Hindi namin mapapalitan ang KathNiel. Gusto naming makilala as Seth and Francine. Ang KathNiel, gusto naming marating ang narating nila pero hindi papalitan. 


Iniidolo namin sila sa kung ano ang nakamit nila. At ‘yun ang pangarap namin. Kung saan sila nakapunta, sana nakapunta rin kami sa sarili po naming paraan.”sabi ni Seth


“Ibang-iba po talaga ‘yung path nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at kung paano sila naging successful. Kapag sinabing the next KathNiel, parang sinasabi na kung anong pinagdaanan nila, dadaanan din namin. Nakaka-pressure po kasi nakikita nila sa amin ‘yung KathNiel noon. But at the same time po, mas gusto naming makita nila as kami at hindi ibang tao,” sabi naman ni Francine



No comments:

Post a Comment

Popular Posts