Dating Host na si Anjo Yllana May Rebelasyon Tungkol sa Eat Bulaga

 





Dating Host na si Anjo Yllana May Rebelasyon Tungkol sa Eat Bulaga

Photo: TVJ/FB


Naglabas ng saloobin ang dating host ng Eat Bulaga na si Anjo Yllana tungkol sa mga host na umalis sa naturang noontime show. 


Nang mag-guest siya sa vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ang pag-alis niya sa Eat Bulaga noong 2020 at ang mga taong nakikilala siya bilang host ng show.


Ayon kay Anjo, may mga nagtatanong sa kanya kung babalik pa ba siya sa Eat Bulaga, ngunit sinabi niya na wala pa siyang kilalang host na umalis sa show at nabigyan ng pagkakataon na makabalik. Aniya, ito raw ang patakaran ng Eat Bulaga.


Dagdag pa niya, alam na raw niya mula pa noong nag-resign siya na hindi na siya makakabalik sa show. Kahit na maaaring makapag-guest at habang buhay na magiging Dabarkads, hindi na raw siya makakabalik sa hosting role sa Eat Bulaga.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts