Carmina Villaroel May Bagong Patama Post kay Darren Espanto?

 




Carmina Villaroel May Bagong Patama Post kay Darren Espanto?

Photo: 

Carmina Villaroel/IG/FB

Darren Espanto/IG


Maraming netizens ang nagbigay ng pansin sa bagong cryptic post ni Carmina Villaroel sa kanyang Instagram story. 


Ang post ay tila binigyan ng mga netizens ng kahulugan na maaaring patama ito sa singer na si Darren Espanto, kaugnay sa isiniwalat nito tungkol sa tunay na relasyong namamagitan sa kanya at sa anak ni Carmina, si Cassy Legaspi.



Sa IG story ni Carmina noong April 11, ibinahagi niya ang isang mensahe tungkol sa pagtitiwala sa Diyos kapag ang mga plano ay hindi umayon sa inaasahan. 


Marami ang naniniwala na ito ay maaaring mensahe ni Carmina para sa kanyang anak, na nagpapahiwatig ng pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari.



Ang cryptic post na ito ay muling nagpapahiwatig ng posibleng hidwaan o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mag-ina at ni Darren Espanto. Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na reaksyon si Darren sa mga cryptic post na ito mula sa mag-inang Carmina at Cassy.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts