Bianca Lapus Naglabas ng Hinanakit ng Loob Tungkol sa Pagpasok ng Kanyang Anak na si Yce Navarro sa Batang Quiapo

 


Bianca Lapus Naglabas ng Hinanakitng Loob Tungkol sa Pagpasok ng Kanyang Anak na si Yce Navarro sa Batang Quiapo

Photo/Video: christinebbabao/IG


Matapos ang mga mapanakit na komento mula sa ilang netizens tungkol sa pagpasok ng kanyang anak na si Yce Navarro sa Batang Quiapo, naglabas ng saloobin si Bianca Lapus. 


Sa isang post, ibinahagi ni Bianca ang kanyang pag-iyak dahil sa mga negatibong komento na tinanggap ng kanyang anak. "Actually hindi pa nga ako nagpopost about it eh, pero sobrang umiiyak ako last week. Yung nilabas kasi ang photo niya for Batang Quiapo, may mga nagbash," aniya.


Binanggit din ni Bianca na bagamat matapang siya sa mga negatibong komento sa kanya, mas mahirap para sa kanya na makita ang kanyang anak na si Yce na pinagtatawanan at inaatake online. 


Sa mga nanglait sa kanyang anak, may mensahe siya: "Sana man lang naisip niyo na yung anak ko, dumaan ‘yan sa depression habang nakulong ang tatay niya. Hindi niyo alam kung ano ang pinagdaanan naming mag-ina." Ipinakita ni Bianca ang kanyang pagnanais na protektahan ang kanyang anak mula sa mapanakit na salita ng iba.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts