Alden Richards Buwelta sa Real Score ng Relationship nya with Kathryn Bernardo

 



Alden Richards Buwelta sa Real Score ng Relationship nya with Kathryn Bernardo

Photo: Screen grab from GMA/YT


Nagsalita na sa wakas si Alden Richards tungkol sa tunay na relasyon nila ng aktres na si Kathryn Bernardo. 


Matatandaang naging usap-usapan ang kanilang dalawa dahil sa kanilang viral sweet video sa birthday ni Kathryn. Sa isang panayam, ipinahayag ni Alden na "what you see is what you get," na nagpapatunay na magkaibigan lamang sila simula nang matapos ang kanilang pelikulang "Hello Love Goodbye."


Nang tinanong tungkol sa mga fans na nagsi-ship sa kanila, sinabi ni Alden na mas mainam na panatilihing pribado ang mga personal na bagay. 


Hindi raw laging kailangan ipamalita sa social media ang lahat ng nangyayari sa buhay.


Sa panayam ng reporter ng 24 Oras na si Nelson Canlas, inalala ni Alden ang masayang nangyari sa birthday celebration ni Kathryn, kung saan inimbitahan siya. Sinabi ng aktor na masaya ang naging karanasan niya at napansin kung gaano kasaya si Kathryn sa kanyang buhay ngayon.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts