Xian Lim Hiniwalayan Diumano si Kim Chiu Pagkatapos ng Grant Request na Ipagluto si Xian ng Paboritong Niyang Steak

 



Ang kilalang online personality na si Ogie Diaz ay nagbigay ng panibagong pasabog tungkol sa hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu sa kanyang Youtube channel. 


Ayon sa mga nabanggit ni Ogie, mismong si Xian ang umano'y nagpasya na ituldukan ang kanilang relasyon habang sila ay kumakain ng pagkaing inihanda ni Kim.


"Isang araw daw itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak," sabi ni Ogie. Nang makatapos magluto si Kim at magsalu-salo sila sa pagkain, doon na umano nagbukas ng usapan si Xian tungkol sa kanyang intensyon na maghiwalay.


“'Tapusin na natin ‘yung ating relasyon, parang wala rin namang patutunguhan. Parang… ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends’… something to that effect pero puwedeng exag (exaggerated), p’wedeng kulang ‘yung kuwento ko pero more or less nag-start ‘yan sa steak,” dagdag pa ni Ogie.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts