Video ni Vice Ganda at Its Showtime sa Harap ng GMA Bldg., Viral

 



Video ni Vice Ganda at Its Showtime sa Harap ng GMA Bldg., Viral


Nag-viral sa social media ang isang video na nagpapakita sa komedyanteng si Vice Ganda na kasama ang kanyang mga co-host sa Its Showtime sa harap mismo ng GMA Network. 


Makikitang masaya silang kumakanta ng theme song ng programa, na nagpapahiwatig na posibleng mapapanood na ito sa naturang istasyon. Ayon sa ulat, magaganap umano ang contract signing ngayong araw sa pagitan ng ABSCBN at GMA, kung saan ang Its Showtime ay magiging bagong noontime show ng GMA Network.


Nauna nang nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube video ang tungkol sa inaasahang pirmahan ng kontrata sa pagitan ng mga executives ng GMA-7 at ABS-CBN para sa paglipat ng Its Showtime sa GMA-7. 


Ipinahayag ng maraming netizens ang kanilang labis na kasiyahan sa balitang ito, sa wakas ay mabibigyan na rin daw ng tahanan ang Its Showtime sa bagong network.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts