Vhong Navarro Nagpahayag ng Interes na Makatrabaho si Michael V. sa GMA

 



Vhong Navarro Nagpahayag ng Interes na Makatrabaho si Michael V. sa GMA


Photo: Vhong Navarro/ IG


Sa isang panayam ng GMA kay Vhong Navarro, ibinahagi ng host ng It's Showtime ang kanyang saloobin ukol sa kanilang pagsasanib-puwersa ng It's Showtime at GMA. 


Ipinahayag ni Vhong ang kanyang labis na kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa kanila at ang kanyang nais na magbalik ng kasiyahan sa kanilang mga manonood. "Alam mo sobrang excited na ako na mag-April 6 kasi ‘yung pagtanggap n’yo sa amin sobrang alam mong napakatotoo, talagang welcome na welcome kami. 


Kaya naman gusto naming ibalik ‘yun nang doble ‘yung saya na ipapakita namin sa ating Madlang Kapuso para ibalik ‘yung mainit na pagtanggap n’yo sa amin," ani Vhong.


Nang tanungin kung sino ang artista sa GMA na nais niyang makatrabaho, walang iba't si Michael V. ang binanggit niya. "Sa mga kuwento ni Kuya Ogie [Alcasid] parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya. Kasi ang Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko siya makatrabaho," pahayag ni Vhong. Sa pamamagitan ng pagtuklas ng potensyal na pagtatambal, ipinakita ni Vhong ang kanyang pagpapahalaga sa pag-unlad at pagsasama ng industriya ng sining.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts