Unkabogable Star na si Vice Ganda, Nagdiwang ng Kaniyang Kaarawan sa Pamamagitan ng Pag-"Mothering"

 



Unkabogable Star na si Vice Ganda, Nagdiwang ng Kaniyang Kaarawan sa Pamamagitan ng Pag-"Mothering"

Photo & Vide: Vice Ganda/IG


Nitong Linggo ng Pagkabuhay, ipinagdiwang ni Vice Ganda ang kaniyang ika-48 na kaarawan, na talaga namang puno ng kanyang trademark na "mothering." Isang birthday video tutorial ang ibinahagi niya para sa kaniyang sarili, kung saan nagpakita siya ng kanyang kakaibang pamamaraan ng pag-"mother." 


Hindi nagpahuli ang kaniyang mga tagahanga sa pagbati, at abala na rin sila sa paghihintay sa pasabog na birthday performance niya sa "It's Showtime," na inaasahan sa pagsisimula nito sa GMA Network.


Sa kaniyang caption, sinabi ni Vice na ito ang "Mothering video tutorial from the unkabogable mother of mothering! Daming mother! Waaaah!!! ✨ #VGFulBirthday." Talaga namang bumuhos ang mga pagbati sa comment section, patunay na abala ang lahat sa pagdiriwang ng kaarawan ng Unkabogable Star.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts