Shaira Moro Muling Nasasangkot sa Bagong 'Copyright Infringement' Issue Matapos ang Cover Song na Katunog sa Kanta ng Indonesian Band

 



Shaira Moro Muling Nasasangkot sa Bagong 'Copyright Infringement' Issue Matapos ang Cover Song na Katunog sa Kanta ng Indonesian Band

Photo: Shaira Moro/IG


Muling nasangkot sa kontrobersya si Shaira Moro, kilalang "Queen of Bangsamoro Pop," matapos mapuna ng mga netizen ang pagkakapareho ng isa niyang cover song sa awitin ng all-male Indonesian band na "Papinka." 


Ibinandera ni Shaira ang kanyang bersyon ng kantang "Forever Single," na naispatan ng netizens na katulad sa kantang "Masih Mencintainya" ng Papinka, na inilabas sa YouTube channel ng AHS Productions noong Oktubre 29, 2023. 


Bagaman may disclaimer na ito ay parodiya lamang, ipinunto ng ilan na hindi ito dapat gamiting pagkakakitaan, lalo na't inilabas din ito sa Spotify.


Nabatikos si Shaira at ang AHS Productions dahil sa pagkakahawig ng kanilang awitin na "Selos" sa kanta ni Lenka na "Trouble is a Friend," na humantong sa pagtanggal nito sa lahat ng online streaming platforms tulad ng Spotify at YouTube. 


Sa bagong kontrobersya, nananawagan si Shaira sa kanyang mga tagahanga at sa mga netizen na ipagkaloob ang respeto kay Lenka at huwag nang dagdagan ang kanyang panlalait.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts