Sey mo Bea? Chad Kinis 'Nakaiskor' kay Dominic Roque

 



Sey mo Bea? Chad Kinis 'Nakaiskor' kay Dominic Roque



Nagkaroon ng malaking pagsiklab sa social media nang ibahagi ni Chad Kinis ang larawan nila ni Dominic Roque.


Sa larawang ito, makikitang nagkita ang dalawa sa isang event, at tila nakayakap si Chad sa bewang ng dating boyfriend ni Bea Alonzo. Kitang-kita ang pagkakaiskor sa yakap!


"For sure may maiinggit. Itago natin sa pangalang Senyora," caption ni Chad sa larawan, na nagpapakita ng pagbibiruan nila ni Dominic. "Baka imention niyo dito si Senyora naku di makakahinga yun," dagdag pa niya sa comment section.


Sumagot naman si Dominic, "Walang edit talaga.🥰."


"All natural," dagdag pa ni Chad.


Sa pag-uusap tungkol kay Dominic, umiikot ang tsismis na nagkabalikan na sila ng dating magkasintahang sina Bea, subalit wala pa ring kumpirmasyon tungkol dito mula sa kanilang mga kampo.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts