Sarah Geronimo, Nagbigay-Pugay kay Mommy Divine sa Billboard’s Women In Music 2024.
Sarah Geronimo to Mommy Divine: “you are the best, you are my hero”
Ang singer-aktres na si Sarah Geronimo ay isa sa mga kinilala bilang Global Force honoree sa Billboard’s Women In Music 2024. Si Sarah ang unang buo at likas na Filipina na nakatanggap ng parangal sa nasabing seremonya.
Ipinagdiwang at pinuri ng mga netizens ang bagong tagumpay sa karera ni Sarah. Sa isang panayam, nagpasalamat si Sarah kay Mommy Divine at ipinahayag ang pagmamahal sa kanya.
“I also would like to salute men on how they take care of us women. But women, especially mothers out there — shoutout to my mother, Mommy Divine Geronimo, you are the best, you are my hero, I love you very much,” pahayag ni Sarah.
“I mean I can not imagine myself being a mother, all the sacrifices that a mother has to do for their child, it’s mind-blowing,” dagdag pa ni Sarah, na naglalarawan ng kanyang malalim na pagpapahalaga sa mga ina at sa kontribusyon ni Mommy Divine sa kanyang buhay.
No comments:
Post a Comment