Sarah Geronimo at Mommy Divine, Palaging Magkabonding at Nagta-travel Pa




Sarah Geronimo at Mommy Divine, Palaging Magkabonding at Nagta-travel Pa

Photo: Sarah Geronimo/IG


Sa pinakahuling Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na palaging nagkakaroon ng bonding ang mag-ina na sina Sarah Geronimo at ang kanyang ina na si Mommy Divine.


 Ayon sa kanyang balita, tuwing weekend ay nagsasama sila at nagpapayagan pa raw si Matteo Guidicelli, ang asawa ni Sarah, na doon mag-stay ang singer-actress kasama ang kanyang ina. 


“May nakarating pa sa aking balita, na talagang every weekend ay doon natutulog si Sarah sa mommy niya, na pinapayagan ni Matteo [Guidicelli],” kwento ni Ogie.


Bukod sa regular bonding, naglalakbay din daw sila sa ibang bansa. “Ang sabi sa akin, nag-Europe. Tapos nag-Japan din sila this January yata,” dagdag pa ni Ogie. 


Ibinahagi niya rin na noong nakaraang taon, tila nag-abroad pa sina Mommy Divine at Sarah. Subalit, ipinapakita lamang daw nito ang kanilang masayang samahan at pagkakaroon ng mahahalagang sandali sa isa't isa.


1 comment:

  1. Baka wla ng pera ang nanay kaya ganon!!😂😂

    ReplyDelete

Popular Posts