RR Enriquez Nagreact sa Viral na Resort sa Chocolate Hills: "I don’t see anything wrong with this"

 



RR Enriquez Nagreact sa Viral na Resort sa Chocolate Hills: "I don’t see anything wrong with this"


Sumama na rin sa pagbibigay ng reaksyon ang kilalang sawsawera queen na si RR Enriquez hinggil sa trending na resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol. Sa pagkakataong ito, tila pinagtanggol niya ang nasabing resort, anupat sinabi na wala raw siyang nakikitang mali rito.


"I don’t see anything wrong with this especially if it will help our tourism…. " sabi ni RR.


Kuwento pa niya ang kanyang karanasan sa pagbisita sa Switzerland noong 2016, kung saan mayroong sikat na hotel sa taas ng bundok na mayroon pang jacuzzi resort. "To be honest ok sana yung idea na ito.. Kaso bakit po hindi man lang ginandahan? Hindi man lang instagramable? Paano po tayo makaka attract kung wala pong nakaka attract CHERET," sabi ni RR.


"I love the idea po but failed po sa execution Please maglaan kayo ng magadang budget for that," dagdag pa niya.


Sa huli, hirit pa ni RR kung sakaling siya ay i-bash ng mga netizens: "Yun lang po… Ok pasok sa mga gusto ako ihate I’m sooooo ready CHAR."



No comments:

Post a Comment

Popular Posts