Rita Avila, Ipinagtanggol ang mga Anak ni Jaclyn Jose Laban sa mga Nambabatikos

 


Rita Avila, Ipinagtanggol ang mga Anak ni Jaclyn Jose Laban sa mga Nambabatikos


Umalma ang aktres na si Rita Avila sa mga taong nagpapakita ng kritisismo sa mga anak ng yumaong si Jaclyn Jose na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Guck. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Rita ang isang photo collage ng larawan nina Jaclyn, Andi, at Gwen.


Kasabay nito ang pagtatanggol niya kina Andi at Gwen, kung saan sinabi niyang:


"Tulad ngayon, ang daming kuro-kuro. 'Sana kasi ganito ang ginawa.' 'Dapat kasi ganyan ang ginawa.' 'Bakit naman kasi ginanun.' Kasama ka ba nila sa bahay mula ng isinilang ang mga anak ni Jaclyn Jose? Naranasan mo bang pumasok sa isip at katawan nila kaya alam mo ang tinahak ng bawat isa sa kanila? Nasa lugar ka ba para kwestyonin at ipagtuwid pa ang mga naiwan?


"I-REST IN PEACE NA MUNA PO ANG ISIP AT BIBIG kung walang buti ang idudulot nyo sa mga naiwan.


"MASAKIT NA PO MASHADO ANG NANGYARI SA KANILA. Hinay-hinay po.


"Hindi lahat ng nababasa o nakikita nyo ay totoo. Marami ang nasisilaw. Marami ang makakapal. Parang totoo pero hindi.


"Ipagdasal na lang natin si Jaclyn at ang kanyang pamilya.


"Sa isang post ko na ang wishful thinking ko ay sana may 'KATE' din si Jaclyn, mabuting wish un para sa isang naging kaibigan dahil malungkot nga daw sha sa pagiging mag-isa at dahil alam ko ang advantage ng may kasamang nagmamahal, nag-aasikaso at nagpapasaya sa akin. PERO HINDI KO KWINESTYON ANG SITWASYON NYA. WALANG KINALAMAN UN SA MGA ANAK NYA. I TRUST HER AND HER CHILDREN FOR ALL THEIR DECISIONS."


1 comment:

  1. I agree with missbRita Abila cno tau para humusga. Nkiki usyoso lang ang karamihan at nakiki chika pero wala.kua s lugar para husgahan ang pamaumuhay ng mag iin an ito. Wala kau s lugar para kwestunin ang palakad ila s buhay nila ano man ang set up.Pag iras n isang tao.. ggawa lang ng paraan o dahilan pero ang katotohanan ay OYR TIME IS UP. God's will ...for us tomleave . And everyone and everything behind

    ReplyDelete

Popular Posts