Ria Atayde Napabalitaan diumano na buntis at si Zanjoe Marudo ang Ama.

 




Ria Atayde Napabalitaan diumano na buntis at si Zanjoe Marudo ang Ama.

Pinabulaanan ni Gela Atayde, isang Senior High actress, ang mga ulat na buntis ang kanyang kapatid na si Ria Atayde. Ang nasabing tsismis ay nag-ugat matapos ianunsiyo nina Ria at ang aktor na si Zanjoe Marudo ang kanilang engagement.


Nagkaruon ng mga spekulasyon ang mga netizens na ang dahilan sa engagement ay dahil sa posibleng pagbubuntis ni Ria. Sa isang panayam sa ABS-CBN, itinanggi ito ni Gela. Dagdag pa niya, na-diagnose si Ria ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS).


"Sa akin, hindi pa muna ako makakapagsalita ng marami. For now, hindi. They’re trying, that’s for sure. My sister has PCOS, and it would be a miracle if she has a child," sabi ni Gela.


"Well, at least my parents also are supportive for that. My sister nga kasi is at the age, turning 32 this year, medyo kailangan na din," dagdag pa ni Gela.

No comments:

Post a Comment