Rayver Cruz, Humingi ng Paumanhin sa Kilos sa Live Stream kasama si Julie Ann San Jose

 





Rayver Cruz, Humingi ng Paumanhin sa Kilos sa Live Stream kasama si Julie Ann San Jose


Naglabas ng pahayag si Rayver Cruz sa kanyang mga tagahanga matapos ang insidente sa kanilang live stream kasama si Julie Anne San Jose. Sa isang bahagi ng usapan, napansin ng ilang netizens ang pagpukpok ni Rayver sa ulo ni Julie Anne. Sa kanyang Twitter / X account, ibinahagi ni Rayver ang sumusunod na pahayag:


“Sa mga na-offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me. I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. 


Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko yung buhok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa naming videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don. I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga kasamahan ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight!”


No comments:

Post a Comment

Popular Posts