Pura Luka Vega, Nananatiling Matatag at Naniniwala kay 'Divine Being' Matapos ang Ikalawang Pagkakaaresto

 

Pura Luka Vega, Nananatiling Matatag at Naniniwala kay 'Divine Being' Matapos ang Ikalawang Pagkakaaresto



Matapos ang kanyang ikalawang pagkakaaresto, nagbigay ng mensahe ng pag-asa si Pura Luka Vega, ang kilalang drag queen na kilala rin bilang Amadeus Fernando Pagente. Ipinahayag niya sa isang panayam na nananatili siyang matatag at naniniwala sa "Divine Being," na, ayon sa kanya, laging nasa panig ng mga "oppressed."


Ang huli nitong pag-aresto ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na "Ama Namin" drag performance noong nakaraang taon. Sa kabila ng mga kinahaharap na kaso, nagpahayag si Pura ng pasasalamat sa pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, sa Diyos. "Hindi naman nag-waver ang paniniwala ko sa Divine Being. It’s weird, but I think God has always been on our side, the side of the oppressed and the side of the LGBTQIA+ community. And that’s what matters. Thank you, Lord," ani Pura.


Sa unang pagkakataon niyang maaresto noong nakaraang taon, natutunan daw ni Pura ang maging matibay at resilient, isang katangian na kanyang ipinakita nang muli siyang arestuhin. "We were born resilient. We have gone to probably much worse para sa’kin laban lang," pahayag ni Pura.


Noong Oktubre 4, 2023, naaresto si Pura ng Manila Police District dahil sa reklamo kaugnay ng drag performance, ngunit nakalaya pagkatapos ng tatlong araw sa pamamagitan ng piyansang ₱72,000. Sa kasalukuyan, mahigit 20 na lugar sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura dahil sa nasabing performance. Sa kabila nito, iginiit ng drag queen kamakailan na ang drag ay hindi krimen.

No comments:

Post a Comment