Pokwang Galit na Niresbakan ang Basher sa 'Laos' Matapos Lumipat sa GMA Network

 



Pokwang Galit na Niresbakan ang Basher sa 'Laos' Matapos Lumipat sa GMA Network

Photo: Pokwang/IG


Nagbigay ng matapang na sagot si Pokwang sa isang basher na tumawag sa kanya ng "laos" matapos ang paglipat niya sa GMA network. 


Tinawag ng basher si Pokwang na "laos" simula nang lumipat siya sa GMA, at tila'y may pangungutya pa ito na tila ba nagsisisi raw si Pokwang sa kanyang desisyon. Isang netizen naman ang nagtanong kay Pokwang kung totoo raw ang mga paratang na ito.


Sa kanyang sagot, mariin na tinanggihan ni Pokwang ang mga paratang at sinabihang "Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng isaping walang kwenta!" 


Dagdag pa niya, ipinahayag ni Pokwang na masaya siya sa kanyang bagong tahanan sa GMA, at may mataas na respeto rin siya sa ABS-CBN at TV5. Binanggit niya rin ang pasasalamat sa mga network na nagbukas ng kanilang mga pinto para sa kanyang talento.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts