Paolo Contis, May Parinig sa Paglipat ng Its Showtime sa GMA

 


Paolo Contis, May Parinig sa Paglipat ng Its Showtime sa GMA

Photo: Paolo Contis/IG


Sa paglipat ng "Its Showtime" sa GMA 7, nagbigay ng kanyang reaksyon ang host ng "Tahanang Pinakamasaya" na si Paolo Contis. 


Kamakailan lamang ay pormal na pumirma ng kontrata ang "Its Showtime" sa GMA, at simula sa April 6, mapapanood na ito sa nasabing network.


Sa panayam ng GMA kay Paolo, tinanong ang aktor kung bukas ba siya sa pagtatrabaho kasama ang mga host ng "Its Showtime." "Oo, work is work," tugon ni Paolo. "At lubos akong masaya na mayroon silang lugar."


Dagdag pa niya, "Lahat, alam mo, kaibigan ko naman sila. Kaibigan ko karamihan sa kanila. Si Ogie [Alcasid], si Vice [Ganda]. I'm very close to Vhong [Navarro], so lahat naman 'yan, very open tayo."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts